Litratong Pinoy #6 (liwaliw)

Isa sa hindi ko makakalimutang liwaliw sa aking buhay ay ang aming pulot-gata sa Thailand noong Disyembre 2005-Enero 2006. Tatlong lugar ang aming napuntahan sa Bansa na ito, Bangkok, Chiang Mai at Khon Kaen.

Nagpakasarap kami sa mga maanghang na pagkain sa Thailand. Pareho naming paborito ang Tom yum.Sino ba ang hindi matutuwa sa tuktuk, kahit gagantyohan ka sa taas ng singil!At ang mga buddha, kelangan talagang may larawan kasama ang mga ito.

Pero ang pinakamasayang parte sa liwaliw na ito ay nung katagpuin namin ang aking pamilya sa Bangkok para sabay-sabay kaming mag-bagong taon. Ito ang pinakahuli naming byahe pang-ibang bansa na buong mag-anak. Siyempre pa at nagpakabusog kami sa iba't-ibang klaseng putaheng Thailand, ayun may souvenir pa kaming larawan ng Hari ng Thailand.

Ang hirap talagang magsulat sa Wikang Filipino, napagod ako dun ah! heheh! Sa katunayan, kaya ito ang aking akda, kasi miss na miss ko na ang aking pamilya.

May isa pa akong lahok DITO.


One of my unforgettable vacations is our honeymoon in Thailand last Dec2005-Jan2006. We went to 3 different places there: Bangkok, Chiang Mai and Khon Kaen. We enjoyed the spicy Thai food as both of us are Tom yum lovers. Who wouldn't love the 'tuktuk' ride eventhough the fare are somewhat unpredictably high. Of course we didn't miss taking photos with the buddhas. But the happiest part of this trip was when we met my family in Bangkok to celebrate our New Year's together. Of course, we feasted on Thai dishes and we even had a souvenir photo with the King of Thailand! The reason why I chose this theme is because I badly miss my family.

10 comments:

Yen said...

Oy masarap sa Bangkok talaga! Tumira kami dun higit 2 years:) At syempre masaya kasama ang pamilya!

walkonred said...

liwaliw talaga! :)

iska said...

Minsan lang nakapunta sa Bangkok pero hindi nakapag-enjoy dahil panahon ng SARS noon. Haay... buhay nga naman...

MrsPartyGirl said...

pramis sa akin ni hubby ipapasyal niya ako sa thailand kasi never pa akong nakapunta dun. sweet niyo naman ni stripe! yihee!


LP Liwaliw sa MyMemes
LP Liwaliw sa MyFinds

yvelle said...

maligayang pagliliwaliw!

http://biancaelyse-mylife.blogspot.com/2008/08/lp-20-liwaliw-sa-disneyland-paris.html

Weng said...

sa thailand din kami naghoneymoon! bangkok, phuket at phiphi island naman kami. puro swimming! :D

Munchkin Mommy: Liwaliw sa Palisades Park
Mapped Memories: Liwaliw sa Mustangs at Las Colinas

JO said...

medyo bitin ang bakasyon ko sa Bangkok... dapat makabalik ulit.

Ito ang aking lahok -- http://www.joarduo.com/2008/08/litratong-pinoy-liwaliw.html

fortuitous faery said...

ang saya naman...nasakyan niyo rin ba ang elepante?

dito naman ako nagliwaliw...

christine said...

uy, honeymoony-noony! nice pics, napa reminisce ka sigurado ano? yihee.

julie said...

Basta kasama pamilya, masaya :)